SAME SEX MARRIAGE: PABOR KA BA?

“If anybody can find someone to love them and to help them through this difficult thing that we call life, I support that in any shape or form.” – Will Smith

Lumaki tayo sa paniniwala na ang kasal ay isang sagradong pagbubuklod ng dalawang nagmamahalang indibidwal na nagpasyang magsama habang buhay subalit kadalasa’y naipapatupad lamang ito sa magkasalungat na kasarian.

Sa madaling kasabihan, si Adan (lalaki) ay para kay Eba (babae) lamang, ito ay ayon din sa Biblia. Marahil ito rin ang isa sa mga rason kung bakit matagal ng hindi ipinapatupad ang same sex marriage dito sa Pilipinas dahil ang ating bansa ay isang Kristiyanismo. Bilang isang Kristiyano, sagrado ang tingin natin sa kasal at ang mga salita ng Diyos ay isang napakabanal sa ating mga Pilipino.

Iba’t iba ang pananaw ng mga tao tungkol sa isyung ito. “Malas, salot, walang silbi” yan ang mga ilang kataga na lagi nating naririning sa’twing nakakakita tayo nga mga bakla at tomboy sa ating paligid. May mga nagsasabi rin na ang pagiging homosexual ay isang sakit o disorder subalit sa aking opinyon, ni minsan hindi naging malas at salot ang mga bakla at tomboy. Marami akong kakilala na propesyonal, matagumpay sa kanilang pamumuhay at maging ang iba ay mga artista. Sila ay nagsisilbing modelo at inspirasyon lalo na sa mga kabataan ngayon. Wala tayong karapatang humusga kung ano man ang nais nilang gawin sa kanilang mga buhay dahil kailanman hindi nila kasalanan na ginawa sila ng Diyos na ganun sila diba?Tao lang din tayo, nagmamahal. Ang pinaka concern ng same sex marriage ay hindi “sex” o kasarian ang basehan sa pagpapakasal ng dalawang tao. Hinahangad lamang ng mga gays at lesbians na magkaroon ng pantay na karapatan at pagtrato sa kanila. Subalit marami pa rin ang hindi sumasang-ayon dito. Paano naman ang mga bakla at tomboy? (LGBT Community) Saan sila lulugar? Kung ikaw ang tatanungin, pabor ka ba sa “same sex marriage?” Kung oo, pareho tayo ng sagot.Ako ay isang tunay na lalaki at may kasintahan akong babae. Subalit sang-ayon pa rin ako sa pagpapatupad at legalisasyon ng kasal ng may magkaparehong kasarian dahil para sa akin, lahat naman ng tao ay may pantay-pantay na karapatan. At may karapatan din silang magmahal dahil tao lamang din sila. May karapatan din silang pumili kung ano ang nais nilang gawin dahil ang mahalaga ay alam ng bawat isa kung saan sila lulugar.  Pareho man ang kanilang kasarian ay ramdam pa rin nila ang pagmamahal na kukumpleto sa kanilang pagkatao. Ang tanging paraan ay hayaan na lang nating magkaroon sila ng pantay-pantay na pagtrato sa bawat isa. Mamuhay tayo ng tiwasay, maligaya at punung-puno ng pagmamahal, mapababae man o lalake, mapatomboy man o bakla. Wala namang masama kung ipapatupad ang “same sex marriage” dito sa ating bansa, dahil wala namang mawawala. Kung ikaw ang tatanungin bilang isang mamamayan sa ating lipunan, pabor ka rin ba? https://www.youtube.com/watch?v=IF2wdeZnlfI

References :

http://www.dissentmagazine.org

http://www.bartebly.com/topics/Same-sex-marriage/

http://www.lawteacher.net/same-sex-marriage-debate/

http://www.123helpme.com/against-same-sex-marriage/